Thursday, July 8, 2010

huli ka!


kung san ako nakaupo nung nakuhanan ko ang mga pics na makikita ninyo ay ang aking paboritong pwesto sa Mc Donalds sa isang department store malapit samen, dahil makikita mo ang lahat ng anggulo.

naging lovers lane din ito. dahil kapag darating kami, halos lahat mag bf's-mag gf's ang kumakain sa side nato. tahimik. kaya masarap makipag kwentuhan sa spot nato lalo kapag pagod ka

PERO IBA ANG GABING ITO.

itong lalakeng to ang pinaka walang hiya. lumapit pa siya sa salamin.
maya maya umaarte pang may pupulutin. ay sows koya, ang tindi mo.


para hindi halata. daan lang daw

huli ka balbon!

napansin na nung babae kaya medyo nag side view siya pero
anong magagawa niya sa 3 nakaabang sa bawat anggulo?

ang tindi, nakailang porma na siya. tsk tsk
mukha naman!

eventually napansin ako ng guard na nakuhanan ko sila (dahil sinadya ko ding ipaalam sa kanila
na kung gaano sila kagarapal mang manyak, ganun din kalakas ang loob kong kuhanan sila)
at sinuportahan naman ako ni Paolo sa ginawa ko.

noong umalis na yung 2 magkasama, kami naman ang pinaginitan ng mga walangyang kumag nato.
lumapit yung unang lalake na nasa picture sa salamin, karga karga pa ang anak niya, sabay sabing F*CK Y**
mababasa naman yun sa bibig kaya imposibleng MALI ako, at kita naman kung gaano lang kami kalapit sa salamin kaya imposibleng magkamali ako.

sa pang 4 na litrato may naka pula na kalbo. tinignan niya pa kami ng masama. HALLEEERRRR kuya!
ok lang siya? tamang tawa talaga kami ni Paolo.

Kinuha ko ulit yung digicam ko, incase na gusto talaga nilang mag pa picture, hindi ako manghihinayang sa battery ;) pero mukhang natauhan si manong guard at naalala niyang trabaho niyang bantayan ang side na yun at hindi manilip. kaya siya na ang nagkusang loob na paalisin ang mga tropapips niya.

MABUTI NAMAN.

LESSON: WAG KASE MAGPALDA AT UUPO SA PWESTO NA LIBRENG LIBRE KANG SILIPAN, AT KAHIT BA NAKA SHORTS KA UNDERNEATH IBA PADIN. NAMAN. "KELANGAN PABANG IMEMORIZE YAN?"



3 comments:

Aisa.Pax.Paking.Paxie said...

omg super kulet neto!!! kapal ng fez ng mga panget na boys na yun ah! over. Si ate naman d pa lumipat nalang ng table. hehehe.

dims said...

im sure kung andun ka,,ayy nako hahaybladin ka.actually dumikwatro pa dyan si ate eh, ewan ko ba. haha

Aisa.Pax.Paking.Paxie said...

kung andun ako bubuhatin ko si ate kahit mgpa3lag pa sha! eh etong si ate pala flasher din eh. hahahah!